Miyerkules, Nobyembre 26, 2008
Araw ng Aktiviti
Martes, Nobyembre 25, 2008
Ang Aking Komposisiyon
Kaibigan ko'y kakaiba
Kasama ko sa lungko't ligaya
Daig pa ang nanalo sa lotto kung tumawa
Minsan nga lang may problema.
Vincent, Joan, Mabel, Janel,Eva
Sama-sama kaming lima
Pagkain ng kahit ano'y di nagsasawa
Kulang na lang pati'y bulok kainin pa.
Sina Vincent at Joan ay matalino talaga.
Andito naman si janel na hilig ay komedya.
Si Mabel naman sa kantaha'y palaban.
Ako naman ang bida sa "wala lang".
Pagdating sa eskwelahan
Walang sawang kuwentuhan
Animo'y isang taon di nagkatagpuan.
Kwento rito, kwento riyan, ano na yan?
Sana'y di magbago
Pagsasamaha'y sa paaralan nabuo
Pagkakaibiga'y di maglalaho
Kahit gumuho pa ang mundo.
Biyernes, Nobyembre 21, 2008
Ayon kina Jefferson B. Pile, Madelaine Cruz, Jocelyn S. Angulo, Paul Bryan Santos at Babylyn Castillo na ang mga tao noong unang panahon ay lumikha ng mga kagamitan para sa pagbilang at pagsulat upang matulungan sila sa pagkalkula at makapagproseso ng datos. Subalit, ang mga kgamitamg ito ay hindi sapat upang makatulong sa kanila na makabilang at makasulat ng tamang-tama. Kaya't sila ay patuloy na naghanap ng lalong mabuti, mabilis at higit na wastong paraan sa paggawa ng kompyutasyon.
Isa sa pinakamalaking likha ng tao ay kompyuter. Ang kompyuter ang nagpakita ng katibayan at impluwensya sa lahat ng aspeto sa makabagong lipunan. Hindi maikakaila na ang kompyuter ang nakapagpabago ng pag-iisip ng bawat tao. Ang kompyuter ay napakahalaga sa larangan ng kalakalan at ito ay may pangunahing ginagampanan sa ating kasalukuyang lipunan.
Ang mga mananaliksik ay binigyang pansin ang kanilang pag-aaral ng panitikang Filipino.
Sa panimula ng edukasyon sa Pilipinas, ang Panitikan ay laging nakasama sa kurikulum ng paaralan. Bagamat ang empasis sa pampanitikan karanasan ng mga kabataan sa paaralan ay nagbabago sa bawat panahon, ang pangunahing gawain sa panitikan ay mahalagang sangkap sa edukasyon na mananatili.
Mayroong panlunas na kahalagahan ang panitikan na nararapat na kilalanin. Ang panitikan ang nagbibigay ng madamdaming emosyon sa pagbasa sa panulat ng ibang tao. Maraming tao ang nagagawang maiplano ang sarili para makatanggap ng tulong para sa kanilang problema. Narito sila upang maunawaan ang makataong kalikasan para matulungan ang problema na hindi naman naiiba.
Maaaring mawala ang mga yamang materyal at ang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang bansa at bawat bansa sa buong mundo.
Ang mga mananaliksik ay nagpasya na gumawa ng "interactive" na kaparaanan sa iba't-ibang panitikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Ang pag-aaral nito ay naglalayon na makilala ng gumagamit ng iba't ibang panitikang Filipino kabilang ang mga parabula, bugtong, dula, salawikain, pabula, alamat, sanaysay, maikling kwento, atbp. Ang mga mananaliksik ang nagbibigay sa gumagamit ng madaling paraan at makakuha ng impormasyon sa paggamit ng internet.
Ang makabagong teknolohiya ang nanguna at higit na nakaimpluwensya sa buhay ng mga tao ngayon. Ang pagkokompyuter ng maraming gawain ay naging pangangailangan sa halos lahat ng larangan sa buong mundo para maabot ang mga kailangan ng mabilis sa paglago ng ating lipunan. Sa pamamagitan ng "World Wide Web", na kinikilala na pinanggagalingan ng impormasyon sa pangaraw-araw na makabagong lipunan. Matututklasan mo ang kahit na anong bagay sa buong mundo. Kaya, ang mga mananaliksik ay gumamit ng "Internet-based System" para sa mga taong interesadong higit na matutunan ang panitikang Filipino.
Inaasahan, na ang pag-aaral na ito ay magiging instrumento sa mga mambabasa lalung-lalo na sa mga Filipino na ipinagmamalaki ang kanilang kultura at pinagmulan.